Bangkay na inilagay sa compartment ng kotse… Ginang pinatay ng asawa’t anak
MANILA, Philippines - Ikinagulat ng pulisya na ang suspek sa pagpatay sa isang ginang na ang bangkay ay natagpuang sa compartment ng pag-aaring Honda Civic kamakailan sa Caloocan City ay ang kanyang mister at anak.
Sinampahan na kamakalawa ng Caloocan City Police ng kasong parricide ang anak ng biktima na si Marilou Jorge, 49 na si Jorge Jose Jorge Jr., habang obstruction of justice naman ang isinampa sa mister nitong si Jorge Jose Jorge Sr., 52 kapwa nakalalaya at mga residente ng Bravo St., North Matrixville, Camarin ng lungsod.
Magugunita na noong Nobyembre 28 ng kasalukuyang taon ay natagpuan ang bangkay ni Marilou sa compartment ng kanyang Honda Civic (CTF-103) na nakaparada ilang metro lang ang layo sa kanilang bahay.
Natuklasan lang ang krimen nang umalingasaw ang bangkay ng biktima na naamoy ng mga residente at natunton na nagmumula sa kotse kaya’t binuksan ito at nakita ang bangkay ng ginang at nasa state of decomposition na.
Dalawang kapitbahay ng biktima ang nagsabing nakita nila ang batang Jorge na siyang nagparada ng kotse noong Nobyembre 27, dakong alas-3:00 ng umaga na naging dahilan upang maging pangunahing suspek.
Ayon naman sa matandang Jorge, na iniwan niya ang kanyang asawa at anak sa loob ng kanilang bahay noong Nobyembre 27, 2012 alas-6:00 ng umaga na kontra sa mga sinasabi ng mga saksi.
Ang obstruction of justice ay isinampa sa matandang Jorge, dahil sa mga mali nitong pahayag sa mga otoridad.
- Latest