Patay na ginang umalingasawsa compartment ng kotse
MANILA, Philippines - Isang bangkay ng isang babae ang natagpuan sa compartment ng kanyang kotse matapos na umalingasaw ang baho nito kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.
Ang biktima ay kinilalang si Marilou Jorge, 49, ng North Matrix Ville, Camarin ng lungsod ay natagpuan sa loob ng compartment ng Honda Civic (CTF-103) na nakagapos ng alambre ang mga kamay, nakadaster, walang bra, may suklob ng sako ang ulo at may sugat sa ulo na posibleng hinataw ng matigas na bagay.
Ayon sa pulisya, dakong alas-10:30 ng gabi ay nakalanghap ng mabahong amoy ang mga residente sa lugar kung kaya’t hinanap nila ang pinanggagalingan ng baho at dinala sila sa nasabing kotse na nakaparada sa tapat ng bahay ng biktima.
Nang buksan ng mga barangay tanod ang compartment ng kotse ay tumambad sa kanila ang bangkay ng biktima.
Ayon sa mga residente, noong Martes ng madaling-araw nang makita nila na pumarada ang kotse sa tapat ng bahay ng biktima.
- Latest