PhilHealth moves inilunsad
MANILA, Philippines - Mahigit 2,000 katao ang nakinabang sa Philippine Health Insurance Corporation Mobile Orientation, Validation and Enrolment Scheme (MOVES) kamakailan kung saan namahagi ng Philhealth ID sa mga mahihirap at nangangailangang residente ng nasabing lungsod.
Pinangunahan ng mga opisyal ng Philhealth, kasama ang Department of Health (DOH) at Department of Social Welfare and Development (DSWD), sa pakikipagtulungan ng Rizal Provincial Government sa pamumuno ni Gov. Jun Ynares, isa ring manggagamot.
Ang mga benepisyaryo ay pinili sa pamamagitan ng National Household Targeting System for Poverty Reduction (NHTS-PR) ng DSWD. Sila ay natukoy bilang “poorest of the poor” at nagmula sa mga barangay ng Antipolo, Rizal.
“Kami ay kaisa sa mga nais tumulong sa marginalized sector ng lipunan. Ang Philhealth coverage ay siguradong makababawas sa paghihirap ng ating mga mamamayan upang matugunan ang kanilang medikal na pangangailangan,” ani Gov. Ynares.
- Latest