Mapua sinibak Lyceum
MANILA, Philippines — Umusad sa quarterfinals ang Mapua University matapos nilang patalsikin ang Lyceum of the Philippines University, 83-68 sa play-in match sa NCAA Season 102 men’s basketball tournament na nilaro sa FilOil EcoOil Arena sa San Juan kahapon.
May tangan na twice-to-beat advantage sa play- in matapos pumuwesto sa Fourth place sa Group A ng team standings, sumandal ang Cardinals sa mainit na opensa ni Ivan Lazarte matapos nitong irehistro ang 25 points, limang rebounds, dalawang assists at isang steal.
Pagsampa sa susunod na phase, ang Mapua naman ang kailangan na manalo ng dalawang beses at ang makakalaban na top seeded sa Group B na Letran ang may insentibo na twice-to-beat.
Kaya asahang kasama ulit si Lazarte sa paghuhugutan ng puwersa ni Mapua head coach Chito Victolero sa susunod nilang laro sa quarters.
“Hindi ko iniisip na hindi ako hundred percent. Kailangan namin mag buy-in sa sistema ni coach (Chito Victolero) ngayon. ‘Yon ‘yong gusto namin, mag-buy-in at manalo,” sabi ni Lazarte. No time to relax, no time to celebrate, focus agad kami sa next game namin.”
Samantala, pasok na rin sa susunod na phase ang University of Perpetual Help System DALTA matapos nilang ilista ang mahirap na 79-73 panalo kontra San Sebastian College-Recoletos sa ikalawang laro.
Kinapitan ng Altas ang matikas na opensa nina Jim Corpuz at Vincent Segovia para umusad ang koponan sa quarterfinals at harapin ang top seed sa Group A na defending champion San Beda University.
May hawak na twice-to-beat ang Red Lions kontra Altas sa quarterfinals.
- Latest





















