Nuggets binomba ng Rockets

HOUSTON — Umiskor si Kevin Durant ng 23 points at may 20 markers si Alperen Sengun para banderahan ang 110-100 pagbomba ng Rockets sa Denver Nuggets.
Tinapos ng Houston (8-3) ang kanilang two-game losing skid.
Kumamada si Jamal Murray ng 38 points sa panig ng Denver (5-4), habang naglista si Nikola Jokic ng 25 points, 16 rebounds at walong assists.
Ang dalawang free throws ni Murray ang naglapit sa Nuggets sa anim na puntos sa huling limang minuto ng fourth period mula sa 40-54 halftime deficit.
Tumirada naman sina Sengun at Amen Thompson para muling ilayo ang Rockets sa 100-90 sa natitirang apat na minuto sa laro.
Nagmula ang Houston sa pagkatalo sa Minnesota Timberwolves at Phoenix Suns matapos ang 7-1 start sa season.
Nagwakas ang two-game winning streak ng Denver.
Sa iba pang laro, dinaig ng Charlotte Hornets ang Cleveland Cavaliers, 124-112; tinalo ng Detroit Pistons ang Washington Wizards, 122-111; wagi ang Memphis Grizzlies sa Toronto Raptors, 118-102; lusot ang Dallas Mavericks sa Indiana Pacers, 125-112; panalo ang San Antonio Spurs sa Phoenix Suns, 122-96; at pinapak ng Golden State Warriors ang New Orleans Pelicans, 138-87.
- Latest

















