^

PM Sports

Mano Dura, Velvet Haze kakasa sa Andiamo A Firenze

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kakasahan ng Mano Dura at Velvet Haze ang tikas ng Andiamo A Firenze paglahok nila sa magaganap na 2025 ‘Japan Cup’ na ilalarga sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas, ngayong araw.

Rerendahan ni class A rider Kelvin Abobo ang Mano Dura habang nakatoka sa Velvet Haze si Pabs Cabalejo para harapin ang Andiamo A Firenze sa distansyang 1,600 meter race.

May nakalaan na P1M guaranteed prize na ikakalat sa unang anim na kabayong tatawid sa meta, ang ibang kasali ay ang Dreaming Always, Madam Mayhem, Midnight Cat, Perfect Delight at Daily Burn.

Ibubulsa ng mananalong kabayo ang P600,000, mapupunta sa second placer ang P200,000 at hahamigin ng tersero ang P100,000. .

Paniguradongmainit na labanan ang masisilayan ng mga karerista dahil sa malaking premyo ang paglalabanan sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM).

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with