Obiena minalas sa Istaf Indoor meet
MANILA, Philippines — Hindi pinalad na makapasok sa podium si EJ Obiena sa 2025 Istaf Indoor pole vault tournament sa Dusseldorf, Germany.
Lumagapak sa ika-pitong puwesto ang Asian Games champion na si Obiena matapos magkasya sa 5.55 metrong nakuha nito dahilan para mabigo nitong madepensahan ang kaniyang korona.
Malayo ito sa 5.93m na nakuha ni Obiena nang mapanalunan nito ang gintong medalya sa 2024 Istaf Indoor.
Mabilis na nakuha ni Obiena ang 5.55m na marka kung saan nilampasan nito ang 5.35m at 5.45m.
Nilampasan din ni Obiena ang 5.65m at 5.70m kung saan agad itong tumulak sa 5.75m.
Subalit hindi pinalad si Obiena na makuha ang naturang marka.
- Latest