Cavs nagsalpak ng 22 triples vs Nuggets
CLEVELAND — Kumamada si Donovan Mitchell ng 28 points at nagsalpak ang league-leading Cavaliers ng season-high 22 three-point shots sa 126-114 paggupo kay Nikola Jokic at sa Denver Nuggets.
Nagdagdag si Darius Garland ng 24 points at may 21 markers si Caris LeVert para sa Cleveland (20-3).
Nasayang naman ang inilistang triple-double ni Jokic na 27 points with 20 rebounds at 11 assists sa panig ng Denver (11-9).
Bumangon ang Nuggets mula sa isang 18-point second-half deficit bago muling nakalayo ang Cavaliers sa dulo ng fourt period.
Sa Washington, tumipa si Luka Doncic ng triple-double na 21 points, 10 rebounds at 10 assists sa 137-101 pagbugbog ng Dallas Mavericks (15-8) sa Wizards (2-18).
Sa Toronto, umiskor si Shai Gilgeous-Alexander ng 30 points sa 129-92 pagmasaker ng Oklahoma City Thunder (17-5) sa Raptors (7-16)
- Latest