UAAP magbibigay-daan para sa Gilas Pilipinas
MANILA, Philippines — Pansamantalang titigil ang University Athletic Association of the Philippines (UAAP) basketball tournament upang bigyang-daan ang kampanya ng Gilas Pilipinas sa FIBA Asia Cup Qualifiers na gaganapin sa Nobyembre.
Nakatakdang umarangkada ang Gilas Pilipinas ng dalawang beses sa qualifiers.
Una na ang pagsabak nito kontra sa New Zealand sa Nobyembre 21 sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Kasunod nito ang laban ng mga Pinoy cagers kontra naman sa Hong Kong sa Nobyembre 24 sa parehong venue.
Pinakahuling laro sa UAAP sa Nobyembre 16 sa men’s at women’s divisions para bigyang-daan ang qualifiers.
Ililipat ang mga nalalabing laro sa second round sa Nobyembre 23.
Wala pang petsa kung kailan lalaruin ang Final Four ng UAAP.
Bahagi si reigning MVP Kevin Quiambao ng De La Salle University ng Gilas Pilipinas lineup.
Subalit wala pang anunsiyo ang pamunuan ng La Salle o ang Samahang Basketbol ng Pilipinas kung maglalaro si Quiambao sa qualifiers.
Matikas ang inilalaro ni Quaimbao sa UAAP.
Nangunguna ito sa MVP race matapos magtala ng 87.57statistical points.
Pumapangalawa si JD Cagulangan ng University of the Philippines na may malayong 77.0, habang ikatlo naman si La Salle standout Mike Phillips na may 72.14.
Desidido si Quiambao na tulungan ang La Salle na madepensahan ang korona nito.
“Coming into this second round, we’re going to focus on our next game. We’re going to enjoy this win tonight but it’s back to zero tomorrow,” ani Quiambao.
- Latest