^

PM Sports

Philippine athletes nakapasok na sa Paris Athletes Village

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isa isa nang dumara-ting sa Athletes Village ang pambato ng Pilipinas sa 2024 Paris Olympics na nakatakdang umarangkada sa Hulyo 26 sa France.

Ilang miyembro ng Team Philippines ang nagpost na sa kanilang mga social media accounts para ipakita ang mga karanasan nito sa Athletes Village.

Nasa Athletes Village na si world champion Carlos Edriel Yulo na isa sa mga may malaki ang tsansang makasikwat ng gintong medalya sa Paris Games.

Maliban kay Yulo, dumating na rin sa Athletes Village ang kasama nito sa gymnastics team na sina Aleah Finnegan, Levi Ruivivar at Emma Malubuyo.

Naglabas pa ng vlog si Ruivivar na kung saan kasama nito ang kanyang roomate na si Finnegan sa pag-tour sa kanilang kuwarto sa Athletes Village.

Pinatunayan din ni Ruivivar na matibay ang mga higaan sa Athletes Village kumpara sa mga lumabas na batikos na posibleng bumigay ang mga kama na gawa sa solidong karton.

Nagawa pang talun-talunan ni Ruivivar ang kama nito para patunayan na matibay ito.

“This is actual cardboard. This is so stabe, you can run, squat. This is not falling down. Overall, its amazing. I am loving this,” ani Ruivivar.

Nasa Athletes Village na rin si Joanie Delgaco na masisilayan sa aksyon sa rowing competition sa unang araw ng bakbakan sa Hulyo 27.

Ipinakita ni Delgaco ang mga freebies na ipinamimigay sa mga atletang kalahok sa Paris Games.

“There’s a pin quest where you can collect pins. They have all these activities set up in this place called Athlete 365 which has games, events, and a way for you to connect with other athletes in the Paris Olympic Village,” ani Delgaco.

Kasama sa mga ipina­migay ang brandnew Samsung flip na may logo ng Paris Olympics.

Inaasahang darating na rin sa Athletes Village ang iba pang miyembro ng Team Philippines.

“Excitement is in the air as our Filipino athletes and delegation arrive at the Athlete’s Village, ready to make their mark at the Paris 2024 Olympics! Let’s go, Team Philippines,” ayon sa post ng Philippine Olympic Committee.

vuukle comment

PARIS OLYMPICS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with