^

PM Sports

Strong Group-Pilipinas tinambakan ang Japan U22 team sa Jones Cup

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Namuro ang Strong Group-Pilipinas sa asam na kampeonato matapos kal­dagin ang Japan U22 team, 92-79, sa 43rd William Jones Cup kahapon sa Taipei, Taiwan.

Ito na ang ikaanim na sunod na tagumpay ng Philippine quintet papasok sa huling dalawang laro sa single-round eliminations.

Walang playoffs ang Jones Cup kumpara sa ibang torneo kaya kung si­no ang top team pagka­tapos ng eliminasyon ay siya na agad mag-uuwi ng kampeonato.

Ayaw ng Strong Group ng kumplikasyon sa posibleng tie para sa No. 1 spot kaya susubok na mawalis ang torneo kontra sa Chinese Taipei A (5-0) at Chinese Taipei B (2-3).

Nakalalapit ang Strong Group sa misyon sa pangu­nguna ulit ni Chris McCullough na kumamada ng 26 points, 7 rebounds, 3 assists at 3 steals.

Si McCullough din ang bumida sa kanilang mga unang panalo kontra sa UAE, 104-79, BSBL Guardians ng Australia, 91-69, Ukraine, 82-74, Ma­laysia, 89-54, at Future Sports USA, 112-90.

May kontribusyon na 17 at 11 points sina DJ Fenner at Jordan Heading, ayon sa pagkakasunod, ha­bang may ambag na siyam na marka si Kiefer Ravena at walo si Geo Chiu.

Hindi ganoon kainit ang naging simula ng Strong Group nang ma­kapagtayo lang ng dikit na 22-18 abante kontra sa bagitong Japanese team bago tuluyang kumawala sa second quarter sakay ng 32-18 birada patungo sa 13-point win.

Sa Ukraine lang nahira­pan ang Strong Group sa apat na salang bagama’t inaasahang mapapasabak nang matindi kontra sa dalawang host teams.

Nauwi sa wala ang 17 points ni Hiyuu Ozaw pati na ang tig-10 puntos para sa Japan U22 na laglag sa 3-3 marka.

vuukle comment

STRONG GROUP-PILIPINAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with