^

PM Sports

Ginebra, NLEX agawan sa panalo

John Bryan Ulanday - Pang-masa
Ginebra, NLEX agawan sa panalo
Si import Myke Henry ang muling aasahan ng NLEX kontra sa Ginebra.

MANILA, Philippines — Lintik lang ang walang ganti para sa Barangay Ginebra habang hindi papasindak ang NLEX sa bigatin nilang sagupaan sa umaatikabong 2024 PBA Governors’ Cup ngayon sa Smart-Araneta Coliseum.

Magkaibang daan ng tinahak ng Gin Kings at Road Warriors subalit parehong asam ang kru­syal na panalo sa main game ng Group B double-header sa alas-7:30 ng gabi.

Lumasap ang mga bataan ni coach Tim Cone ng mapait na 95-88 silat na kabiguan kontra sa Blackwater noong nakaraang linggo kaya siguradong gigil na makabalikwas agad lalo’t tengga sila sa ilalim ng standings.

May 1-2 kartada ang Barangay Ginebra, kahit pa may presensya ni resident import at Gilas Pilipinas naturalized player Justin Brownlee, matapos ding yumukod sa Rain or Shine, 73-64.

Sa San Miguel palang nakakaisa ang Gin Kings, 108-102 na halatang nasa transition phase palang matapos balasahin ang roster nang ipalit ang mga beteranong sina Christian Standhardinger at Stanley Pringle para kina Isaac Go at Stephen Holt.

Magtatangka ang NLEX na mapigilan ang gigil na ito ng Ginebra sakay ng kanilang mala­king 112-108 panalo sa overtime kontra sa isa pang contender na San Miguel Beer nitong Sabado lang sa Cagayan de Oro.

Panatag sa 3-1 kartada ang koponan ni retur­ning PBA coach Jong Uichico sa likod lang ng unbeaten Group B leader Rain or Shine (4-0) pero hindi papakampante sa pa­ngunguna nina ace guard Robert Bolick at import Myke Henry.

Samantala, magpapangbuno sa first game sa alas-5 ng hapon ang Blackwater (1-3) at Phoenix (0-3).

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with