^

PM Sports

Otom sisisid ng medalya sa Paris

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Puntirya ni swimmer Angel Otom na makasungkit ang medalya para sa Team Philippines sa pagsisimula ng kampanya nito sa 17th Paris Paralympics swimming competitions ngayong araw sa Paris La Defense Arena sa France.

Handang-handa na si Otom sa kanyang unang pagsalang sa Paralympics kung saan aariba ito sa women’s 50m backstroke S5 event sa alas- 4:30 ng hapon (oras sa Maynila).

Raratsada si Otom sa Heat 1 kasama ang pito pang swimmers habang masisilayan naman sa Heat 2 ang walo pang tankers na magtatangkang pumasok sa susunod na yugto.

Tanging ang walong pinakamabilis na swimmers sa dalawang heats ang papasok sa finals na gaganapin naman bukas  ng madaling araw sa alas-12:33.

Maliban sa backstroke event, hahataw din si Otom sa 50m butterfly na idaraos naman sa Setyembre 6.

Malalim na ang karanasan ni Otom na nakasungkit ng tatlong gintong medalya sa Asean Para Games noong 2022 sa Surakarta, Indonesia.

May apat na ginto naman ito sa 2023 edisyon ng Asean Para Games sa Phnom Penh, Cambodia.

Sa Cambodia, pinag­reynahan ni Otom ang 50 backstroke S5, 50 butterfly S5, 50 freestyle S5 at 200 individual medley SM5.

Isa si Otom sa anim na miyembro ng Team Philippines sa Paralympics.

Kasama nito sa kampanya sina swimmer Ernie Gawilan at archer Augustina Bantiloc na siyang flag bearers ng bansa, at sina Jerrold Mangliwan at Cendy Asusano ng athle­tics, at Allain Ganapin ng taekwondo.

vuukle comment

PARIS PARALYMPICS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with