^

PM Sports

Big City hataw sa Cebu

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nagparamdam na ng puwersa ang National Capital Region (NCR) para upuan ang unang puwesto sa medal tally ng 2024 Palarong Pambansa na ginaganap sa Cebu City.

Hataw ang NCR bets ng 37 gintong medalya kasama ang 21 pilak at 32 tanso upang maagaw ang unang puwesto sa Calabarzon Region.

Mula sa unang puwesto, nahulog sa ikalawa ang Calabarzon na may 30 ginto, 16 pilak at 25 tansong medalya.

Nasa ikatlong posisyon naman ang Western Visayas na may 19-19-18 habang ikaapat ang host Central Visayas na may 16-25-10 at ikalima ang Davao Region na may 14-15-12.

Nagdagdag ng dalawang ginto para sa NCR si Eliza Yulo sa girls secondary artistic gymnastics sa Cebu Institute of Technology - University (CIT-U).

Umani si Yulo ng kabuuang 42.25 puntos para masiguro ang ginto sa kanyang dibisyon.

Tinalo ni Yulo ang ka­tropa nito sa NCR na sina Cielo Esliza na may 41.20 puntos at Amara Lagdameo na may 38.05 puntos na nagkasya sa pilak at tanso, ayon sa pagkakasunod.

Nakahirit pa si Yulo ng ginto sa team event kasama sina Esliza at Lagdameo.

Nagtala ang tatlo ng kabuuang 121.5 points para talunin ang Western Visayas na nagbulsa ng pilak at ang Central Luzon at Calabarzon na parehong may tanso.

vuukle comment

PALARONG PAMBANSA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with