^

PM Sports

Gilas umangat sa No. 34 sa FIBA

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Patuloy ang pagtaas ng Gilas Pilipinas sa world rankings ng International Bas­ketball Federation (FIBA).

Umakyat ng apat na pu­westo ang mga Pinoy cagers na kasalukuyan nang nasa ika-34 mula sa dati nitong posisyon sa 38th spot.

Malaking tulong sa pagsulong ng Gilas Pilipi­nas ang magandang inila­ro nito sa FIBA Olympic Qualifying Tournament na ginanap sa Riga, Latvia.

Matatandaang ginulantang ng Gilas Pilipinas sa group stage ang host Latvia na nasa No. 5 sa world rankings noon.

Ang panalo ang na­ging daan upang makapa­sok ang Gilas Pilipinas sa semifinals ng Olympic qualifying tournament.

Subalit yumuko ang Gi­las Pilipinas sa Brazil sa semis.

Nahulog naman ang Latvia sa No. 9 spot sa world rankings.

Nananatili namang na­­sa unang puwesto ang Uni­ted States na sariwa pa sa matamis na kampeo­nato sa Paris.

vuukle comment

FIBA

GILAS PILIPINAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with