^

PM Sports

Fuller, Nocum ibinangon ang Rain or Shine

John Bryan Ulanday - Pang-masa
Fuller, Nocum ibinangon ang Rain or Shine
Sinagupa ni Jhonard Clarito ng Rain or Shine ang frontline ng Phoenix.
PBA Image

MANILA, Philippines — Rumatsada sa fourth quarter ang Rain or Shine upang gapiin ang Phoenix, 122-107, at ma­kabalik agad sa winning column ng 2024 PBA Governors’ Cup kahapon sa Ninoy Aquino Stadium sa Pasay.

Nagpakawala ng 12-0 birada ang Elasto Painters sa kalagitnaan ng payoff period para tuluyang ipagpag ang makulit na Fuel Masters at mapatibay ang solo liderato sa Group B hawak ang 5-1 kartada.

Umiskor ng tig-16 puntos sina Adrian Nocum at import Aaron Fuller upang giyahan ang Elasto Painters na naibawi agad ang masaklap na 113-112 kabiguan kontra sa San Miguel noong nakaraang linggo.

Nakahamig sila ng solidong suporta kina Gian Mamuyac at Anton Asistio na may 14 at 13 puntos, ayon sa pagkakasunod, habang may tig-12 rin sina Andre Caracut, Caelan Tiongson at Felix Pangilinan-Lemetti.

Nagdagdag pa ng 10 puntos si Jhonard Clarito para sa mga bataan ni coach Yeng Guiao, na abante lang ng ga-hibla sa 87-85 pagkatapos ng tatlong quarters.

Bahagya pang nag­habol sa two-point deficit ang Elasto Painters bago ang panapos na bomba upang makapagtayo ng 107-97 lead sa huling 5 minuto tungo sa tagumpay.

Pumukol ng 31 puntos si Brandone Francis pero hindi pa rin kinayang mabuhat sa unang panalo ang Fuel Masters na nalag­lag sa 0-6 kartada.

Maging ang 22 at 11 puntos nina Jayson Perkins at Kai Ballungay, ayon sa pagkakasunod, ay nasa­yang para sa koponan ni coach Jamike Jarin.

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with