^

PM Sports

22 Pinoy athletes papalag sa Paris Games

Chris Co - Pang-masa
22 Pinoy athletes papalag sa Paris Games
Isa sa paboritong manalo ng ginto sa Paris Games si gymnast Caloy Yulo.

MANILA, Philippines — Palaban ang 22 Pinoy athletes na sasabak sa 2024 Paris Olympics na aarangkada sa Hulyo 26 sa France.

Matapos ang Olympic qualifying events, ito na ang pinal na bilang ng pambansang delegasyon — ang pinakamalaking bilang ng atleta na sasabak sa Olympics sapul noong 2000 Sydney Olympics.

Huling umabot sa 20-athlete mark ang Pilipinas sa Sydney Olympics na ginanap sa Australia kung saan may 20 atleta ang sumalang ngunit bigong makapag-uwi ng medalya.

Malaki rin ang delegasyon ng Pilipinas noong Tokyo Olympics na may 19 atleta sa pangunguna ni weightlifter Hidilyn Diaz na siyang nag-uwi ng kauna-unahang gintong medalya ng Pilipinas sa Olympic Games.

Ibabandera ng Team PH sa Paris Olympics sina boxers Nesthy Petecio, Carlo Paalam at Eumir Marcial — mga medalist sa Tokyo Olympics.

Parehong may pilak na medalya sina Petecio at Paalam habang may tansong medalya naman si Marcial.

Sasabak si Petecio sa women’s 57kg habang masisilayan sa aksyon si Paalam sa men’s 57kg at aariba naman si Marcial sa men’s 80 kg.

Kasama nina Petecio, Paalam at Marcial sa bo­xing event sina Aira Villegas (women’s 50kg) at Hergie Bacyadan (women’s 75kg).

Magtatangka ring humirit ng ginto sina pole vaulter EJ Obiena at gymnast Carlos ‘Caloy’ Yulo.

Bukod kay Obiena, pasok din sa Paris Games sina John Cabang at Lauren Hoffman na parehong sasalang sa hurdle events.

Makakasama naman ni Yulo sa gymnastics sina Aleah Finnegan, Levi Rui­vivar at Emma Malabuyo.

Pasok din sina gol­fers Bianca Pagdanganan at Dottie Ardina, judoka Kiyome Watanabe, weightlifters Vanessa Sarno, Elreen Ando at John Ceniza, swimmers Kayla Sanchez at Jarod Hatch, fencer Samantha Catantan, at rower Joanie Delgaco.

PARIS GAMES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with