^

PM Sports

Obiena muling lumundag ng ginto sa Poland meet

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tuloy ang matikas na ratsada ni Paris-bound EJ Obiena nang makahirit na naman ito ng gintong medalya sa Poland kung saan namayagpag ito sa Memorial Czeslawa Cybulskiego sa Poznan.

Naisumite ng Pinoy pole vaulter ang impresibong 5.87m para angkinin ang kanyang ikalawang gintong medalya sa natu­rang bansa.

Una nang naghari si Obiena sa Irena Szewins­ka Memorial na ginanap sa Bydgoszcz noong Biyernes kung saan nagtala ito ng 5.97m.

Pumangalawa lamang si Piotr Lisek ng host Po­land na nagsumite ng 5.82m, habang puma­ngatlo si Hussain Asim Al Hizam ng Saudi Arabia na may 5.62m na naitala.

“Back to back competitions in Poland was definitely a blast. 5.87m here in Memorial Cybulskiego for the gold with a bonus meeting and stadium record. Thank you Poznan for the great time,” ani Obiena sa kanyang post sa social media.

Mainit ang simula ni Obiena na mabilis na na­kuha ang 5.62m kasunod ang 5.77 at 5.87 sa kanyang unang attempt.

Sinubukan ni Obiena na abutin ang 6.01m suba­lit bigo itong makuha ang naturang marka sa kanyang tatlong pagsubok.

Sa kabuuan, may tatlong gintong medalya na si Obiena sa outdoor.

Unang humirit ng ginto si Obiena sa Los Ange­les Grand Prix noong Ma­yo.

Sunod na sasabak si Obiena sa Meeting de Pa­ris leg na bahagi ng Dia­mond League na idaraos sa Hulyo 7.

Bahagi ito ng paghahanda ni Obiena para sa 2024 Paris Olympics na ga­ganapin sa susunod na buwan sa France.

Nakatakdang sumunod si Obiena sa training camp sa Metz, Paris.

 

vuukle comment

EJ OBIENA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with