Cavs dinakma ang playoff seat
CLEVELAND— Kumamada si Donovan Mitchell ng 33 points para tulungan ang Cavaliers sa 129-120 pagdaig sa Indiana Pacers at angkinin ang isang playoff berth sa Eastern Conference.
Ito ang kanilang back-to-back playoff appearances matapos ang apat na sunod na NBA Finals noong 2015-2018.
Nagdagdag si Jarrett Allen ng 29 points at 13 rebounds para sa Cleveland (48-33) na nakahugot kina Darius Garland at Caris LeVert ng tig-16 points.
Pinamunuan ni Tyrese Haliburton ang Indiana (46-35) sa kanyang 19 points at 12 assists habang may 19 at 17 markers sina Pascal Siakam at Myles Turner, ayon sa pagkakasunod.
Nakadikit ang Pacers sa 118-120 sa huling 2:04 minuto ng fourth quarter matapos ang drive ni Siakam, ngunit nagsalpak si Garland ng krusyal na three-point shot para ilayo ang Cavaliers sa 123-118.
Sa Miami, humataw si Nikola Jovic ng 22 points sa 125-103 dominasyon ng Heat (45-36) sa Toronto Raptors (25-56) para makaiwas maglaro sa play-in tournament.
- Latest