Mikee Mojdeh ayaw paawat sa Bangkok
BANGKOK, Thailand - Muling nagpasiklab si Mikhael Jasper ‘Mikee’ Mojdeh matapos sumisid ng gintong medalya sa 2024 Asian Open School Invitational (AOSI) Aquatics Championships sa Assumption University Aquatic Center (ABAC) sa Suvarnabhumi Campus dito.
Naglista ang Immaculate Heart of Mary College-Parañaque standout ng matikas na isang minuto at 24.34 segundo upang masiguro ang unang puwesto sa boys’ 8-year 100m backstroke event.
Nilunod ni Mojdeh sina Anand Chinziong ng Mongolia na nagkasya sa pilak tangan ang malayong 1:36.08 at Nittipong Kongkyot ng host Thailand na nagsumite ng 1:37.06 para sa tanso.
“It is my first gold medal in international tournament and I am happy to win it in a strong field like this,” wika ni Mojdeh.
Sinikwat ni Mojdeh ang kanyang ikalawang ginto sa 50m backstroke sa isinumite niyang 37:70 tiyempo.
May limang medalya na si Mojdeh.
Humirit din si Mojdeh ng pilak sa 50m freestyle at tanso sa 50m breaststroke at bahagi ito ng nakatanso sa 4x50m medley relay.
- Latest