Ferrer sa Terrafirma pa rin
MANILA, Philippines — Bagama’t nagkaroon ng major injury ay pinapirma pa rin ng Terrafirma ng bagong kontrata si veteran forward Kevin Ferrer.
Kasalukuyan pang nagrerekober si Ferrer sa natamong torn Achiless tendon na nalaap niya noong Hunyo ng nakaraang taon.
Nangyari ito sa 30-anyos na wingman sa pagsabak ng Dyip sa PBA On Tour pre-season tournament.
Inaasahang malaki ang maitutulong ng eight-year veteran sa kampanya ng Terrafirma na patuloy na ginagabayan ni coach Johnedel Cardel.
Makakatulong ni Ferrer sa kampanya ng Dyip sa darating na PBA Season sina No. 1 overall pick Stephen Holt, rookies Kemark Carino, Louie Sangalang, Taylor Miller, Javi Gomez de Liano at center Isaac Go.
Minalas ang Terrafirma na makapasok sa quarterfinals ng kasalukuyang PBA Commissioner’s Cup.
- Latest