Miami Heat sinunog ang Warriors; Jokic itinala ang ika-11 triple-double
SAN FRANCISCO — Nagtala si Tyler Herro ng 26 points para pangunahan ang Miami Heat sa 114-102 pagsunog sa Golden State Warriors.
Ito ang ikaapat na sunod na panalo ng Heat (19-12) bagama’t hindi naglaro si star forward Jimmy Butler sa ikaapat na sunod na pagkakataon dahil sa strained left calf.
Nag-ambag si Jamal Cain ng 18 points at may tig-8 markers sina center Bam Adebayo at rookie Jaime Jaquez Jr.
Umiskor sina Stephen Curry at Klay Thompson ng tig-13 points sa panig ng Warriors (15-16) na nakahugot kina Moses Moody at Andrew Wiggins ng tig-11 points.
Nag-ambag si Trayce Jackson-Davis ng 10 points at 11 rebounds para sa Golden State.
Sa Denver, kumolekta si Nikola Jokic ng 26 points, 14 rebounds at 10 assists para sa kanyang ika-11 triple-double sa season sa 142-105 pagmasaker ng nagdedepensang Nuggets (23-10) sa Memphis Grizzlies (10-20).
Inilista ni Jokic ang kanyang ika-116 regular-season triple-double para sa fourth all-time sa NBA history na pinamumunuan ng 198 ni Russell Westbrook ng Los Angeles Clippers.
Sa Boston, humataw si Kristaps Porzingis ng season-high 35 points sa 128-122 overtime win ng Celtics (24-6) sa Detroit Pistons (2-29).
Ito ang ika-28 sunod na kamalasan ng Pistons para pantayan ang NBA record ng Philadelphia 76ers noong 2014-15 at 2015-16 seasons.
Sa Portland, kumamada si top overall pick Victor Wembanyama ng 30 points, 6 rebounds, 6 assists at 7 blocks sa 118-105 panalo ng San Antonio Spurs (5-25) sa Trail Blazers (8-22).
Sa Chicago, tumipa si NBA assists leader Tyrese Haliburton ng career-high 20 assists at 21 points sa 120-104 pagdaig ng Indiana Pacers (16-14) sa Bulls (14-19).
Sa New Orleans, nagposte si Brandon Ingram ng 26 points kasama ang krusyal na 3-pointer sa huling tatlong minuto ng laro para tulungan ang Pelicans (18-14) na liparin ang 112-105 panalo kontra sa Utah Jazz (13-19).
- Latest