Eya Laure idolo si Maizo-Pontillas
MANILA, Philippines — Lubos ang kasiyahan ni Chery Tiggo outside hitter Eya Laure matapos makalaban ang idolong si Petro Gazz opposite spiker Aiza Maizo-Pontillas sa 2023 PVL 2nd All-Filipino Conference sa PhilSports Arena sa Pasig City.
Ikinuwento ni Laure na may malaking bahagi si Maizo-Pontillas sa career nito sa volleyball dahil isa ito sa kanyang mga hinahangaan.
“My mindset for this game was that I’m going to cherish it because if it wasn’t for ‘Nang Aiza’, I probably wouldn’t be where I am now. This is the first time that I got to face my idol so I really cherished it,” ani Laure.
Naitarak ng Crossovers ang 25-15, 27-25, 18-25, 25-23 panalo kontra sa Gazz Angels sa naturang laro kung sana nagtala si Laure ng 21 puntos at 12 digs.
Dahil dito, magkakasalo na sa No. 2 spot ang Chery Tiggo, Petro Gazz at PLDT tangan ang magkakatulad na 4-1 marka.
“I really look up to her, she’s the reason why I started playing volleyball. If I didn’t get to see her at UST, I probably wouldn’t be playing and pursuing volleyball,” ani Laure.
Si Maizo-Pontillas din ang dahilan kung bakit No. 8 ang jersey number ni Laure sa anumang liga na sinasalihan nito.
Mula sa kanyang UST days hanggang sa Petro Gazz, suot na ni Maizo-Pontillas ang No. 8 jersey.
“Yes, she’s the reason why I wear number eight. She’s the reason behind my volleyball exploits,” dagdag ni Laure.
- Latest