^

PM Sports

Brownlee hindi kasama sa China

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Out muna si naturalized player Justin Brownlee sa pocket tournament ng Gilas Pilipinas sa Guangdong, China bilang paghahanda nito sa FIBA World Cup na papalo sa Agosto 25 sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

Hindi makakasama si Brownlee upang makapagpa­hinga at maihanda sa pagsabak ng Gilas sa  Asian Games na gaganapin sa Setyembre sa Hangzhou, China.

Lalarga ang China pocket tournament sa Agosto 2 hanggang 6.

Malinaw na ang paglalaro ni NBA star Jordan Clarkson sa FIBA World Cup na kinumpirma mismo ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP).

Itinuturing na naturalized player si Clarkson base sa rules and regulation ng FIBA.

Isang naturalized player lamang ang maaaring maglaro sa FIBA-sanctioned tournaments.

Kaya naman tapos na ang usapan kung sino kina Clarkson at Brownlee ang sasabak sa FIBA World Cup.

Maliban na lamang kung magbago ang desis­ yon ng Gilas coaching staff o may hindi inaasahang aberya na mangyari.

Nakatakdang duma­ting sa Maynila si Clarkson sa Agosto 6 para makasama ang Gilas sa training camp nito.

Kailangang makabuo agad ng chemistry si Clarkson sa bawat mi­yembro ng Gilas upang maging solido ang galaw ng Pinoy squad sa FIBA World Cup.

Dahil dito, tututukan na muna ni Brownlee ang pagsabak nito sa Asian Games.

 

BROWNLEE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with