^

PM Sports

SMB target ang Philippine Cup crown

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Matapos agawin ang Game Six kamakalawa ay kumpiyansa si San Miguel coach Leo Austria na maaagaw nila ang koronang suot ng nagdedepensang TNT Tropang Giga.

“So I hope iyong performance nila ma-sustain nila or, take it a notch higher because I know it will be difficult for everybody,” ani Austria. “So nobody wants to lose, everybody wants to win and that’s, it’s all heart ang kailangan.”

Tinalo ng Beermen ang Tropang Giga sa Game Six, 114-96, para itakda ang kanilang ‘winner-take-all’ Game Seven sa 2022 PBA Philippine Cup Finals.

Tabla sa 3-3 sa kanilang best-of-seven championship series, magduduwelo ang San Miguel at TNT sa hu­ling pagkakataon ngayong alas-6 ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Puntirya ng Beermen ang kanilang pang-28 PBA championship, habang target ng Tropang Giga ang ika-siyam na titulo.

“So it depends on the preparation and then siguro kapag maganda ulit ang breakfast nila baka mananalo kami dahil kanina (Game Six) suwerte kami eh. Sana iyong suwerte namin ma-extend until Sunday,” ani  ng eight-time PBA champion coach na si Austria.

Nakatulong sa panalo ng San Miguel ang pagkakaroon ng injury nina veteran guard Jayson Castro at Glenn Khobuntin para sa TNT.

Nalimitahan din si playmaker Mikey Williams sa career-low na 2 points mula sa mahinang 1-of-13 field goal shooting matapos magposte ng series average na 16.6 points per game.

Hindi sapat ang game-high na 31 points ni Roger Pogoy para ipanalo ang PLDT franchise.

 

PHILIPPINE CUP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with