Ok na sana lahat
Nasa kainitan na ang PBA na nasa Finals na.
Umiinit na rin ang aksiyon sa UAAP na balik na rin ang live audience bagama’t limited capacity pa lang.
Lumarga na ang aksiyon sa PVL.
Naresolba na ang isyu nina PATAFA president Philip Ella Juico at pole vaulter EJ Obiena.
Ang ganda na ng takbo ng sports. Happy na lahat diba.
Sabay lumabas ang balita ng suspensiyon ni UE coach Jack Santiago dahil narinig siyang inutusan ang kanyang player na saktan ang player ng kalabang team. Tsk Tsk Tsk…
Hindi ko kinaya ang kahindik-hindik na balitang ito.
Sa pagrerebyu ni UAAP Season 84 basketball Commissioner Tonichi Pujante, inutusan ni Santiago ang player na manakit ng kapwa player na narinig pa ng isang referee na sinuspindi rin.
Iyong taong dapat maging role model at magturo ng sportsmanship sa mga player ang siya pang mag-uutos sa kanyang player na maging bayolente.
Sabihin na nating may ‘di magandang ginagawa ang kabilang panig para magtulak kay Santiago na gawin ang ‘di magandang asal na ito.
Pero wala kasing justification ang pananakit sa anumang larong sports.
Sapat nga ba ang dalawang larong suspension na tatlong games sana pero inapela ng UE kaya binawasan?
- Latest