Alex Cabagnot sa Terrafirma
MANILA, Philippines — Pormal nang naplantsa ang pagbibi-gay ng San Miguel kay veteran point guard Alex Cabagnot sa Terrafirma kapalit ni Fil-Am guard Simon Enciso sa isang trade na inaprubahan ng PBA Commissioner’s Office kahapon.
Ilang linggo nang pinipilit plantsahin ang nasabing trade kung saan inisyal na isinama si No. 1 draft pick Roosevelt Adams ng Terrafirma.
Si Cabagnot ang ikalawang miyem-bro ng tinaguriang “Death Five” na nai-trade ng San Miguel ngayong buwan matapos dalhin si one-time PBA Most Valuable Player Arwind Santos sa NorthPort kapalit ni Vic Manuel.
Sa kanyang 16-year PBA career ay nagwagi ang 38-anyos na si Cabagnot ng walong kampeonato para sa SMC franchise at isang PBA Finals MVP award noong 2017 Commissioner’s Cup.
Ang Terrafirma ang magiging ikaa-nim na PBA team ni Cabagnot, ang No. 2 overall pick ng Sta. Lucia noong 2005 PBA Draft.
Nakuha naman ng Dyip si Enciso noong Setyembre 28 sa isang trade sa Blackwater kapalit ni Fil-Am guard Rashawn McCarthy.
Samantala, balik-PBA si Nico Salva matapos isama ng Phoenix Fuel Masters sa official lineup nito.
“We gave Nico a chance at our 5x5 team this coming Govenors’ Cup,” ani Phoenix team manager Paolo Bugia ukol kay Salva na palalaruin sana sa 3x3 team ng Fuel Masters.
Sa official drawing of lots para sa PBA 3x3 tournament ay makakasama ng TNT Tropang Giga sa Pool A ang Zamboanga Valientes, Limitless Appmasters, Platinum Karaoke, Purefoods TJ Titans, habang nasa Pool B ang Barangay Ginebra, Terrafirma, Meralco at Sista Super Sealers.
Bubuksan ang PBA 3x3 tournament, sasalihan din ng San Miguel, NorthPort, CAVITEX at Pioneer Pro Tibay, sa Nobyembre 20 sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.
- Latest