Malaking sakripisyo ni
MANILA, Philippines — Ang pagkawalay sa kanyang asa-wang buntis ang isa sa mga sakripisyo ni Magnolia veteran guard Mark Barroca sa paglalaro sa semi-bubble 2021 PBA Philippine Cup sa Bacolor, Pampanga.
Nakatakdang isilang ng kanyang asawang si Ruselle ang kanilang ikatlong anak ngayong buwan kung saan hangad ng Hotshots ang kanilang ika-31 PBA Finals appearance
Inamin ng 35-anyos na si Barroca na hindi nawawala sa kanya ang pag-iisip sa kondisyon ng kanyang kabiyak na nakakaapekto sa kanyang paglalaro sa kasalukuyang best-of-seven semifinals series ng Magnolia at Meralco.
“Siyempre first time ko na magkalayo kami ng asawa ko, na wala ako sa tabi niya. So siyempre, nag-iisip din ako,” wika ng tubong Zamboanga City. “Nag-struggle ako noong una. So kinausap ako ni coach about doon,” sabi ni Barroca kay coach Chito Victolero. “In-encourage niya ako, binigyan ng suporta and sabi niya, nandiyan si Lord na siyang titingin sa pamilya ko.”
Ang kanyang pamilya ang naging motivation ni Barroca sa pagtatala ng 17 points at 6 assists para tulungan ang Hotshots na talunin ang Bolts, 81-69, sa Game Four at ilista ang 3-1 lead sa kanilang semis showdown noong Linggo.
- Latest