Ilang NSAs naka-bubble training na sa mga probinsiya
MANILA, Philippines — Nagsimula na ng kani-kanilang bubble training ang ilang sports associations para paghandaan ang mga international competitions sa 2022.
Ilan sa mga National Sports Associations (NSAs) na nagpa-training na sa mga probinsya ay ang kickboxing, muay thai, archery, fencing, canoe/kayak at weightlifting, ayon kay PSC Commissioner Ramon Fernandez.
“Iyong kickboxing matagal na dito sa La Trinidad, Benguet, muay thai was already here a month ago, ang archery is in Dumaguete, fencing is in Ormoc, canoe/kayak is in Tacloban, weightlifting is scattered in Bohol, Cebu, Manila and Zamboanga and sepak takraw is talking to Ilocos Norte,” ani Fernandez sa PSC Hour. “Karate national team is already here in Baguio and boxing will be here next week.”
May greenlight na rin ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong ang bubble training ng athletics team. “Pinayagan na sila ni Mayor Magalong na mag-train dito. wala namang problema,” sabi ni Fernandez. “I talked to the Mayor the other day and sabi niya bubble training naman iyan eh, so walang problema.”
Ang mga sasalihang event ng Pinas sa 2022 ay ang Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam, Asian Indoor and Martial Arts Games (AIMAG) sa Bangkok, Thailand at ang Asian Games sa Hangzhou, China.
- Latest