Bakbakang umaatikabo sa Presidential Gold Cup
MANILA, Philippines — Umaatikabong bakbakan ang inaasahan sa labanan ng 13 sa pinakamagagaling na kabayo sa bansa sa ika-48 yugto ng Philippine Racing Commission Presidential Gold Cup sa San Lazaro Leisure Park (SLLP), Carmona, Cavite sa Linggo.
Pangungunahan ng 2020 Triple Crown champ He-neral Kalentong ang mga kasali sa karera, kasama ang Real Gold (jockey JPA Guce, owner C&H Enterprise), Boss Emong (jockey MM Gonzales, owner Edward Vincent Diokno), Shanghai Grey (jockey KB Abobo, owner Melanie Habla), Princess Eowyn (jockey FM Racquel, owner Laiza Eje) at Victorious Colt (jockey OP Cortez, owner Maria Felizita Mangaliman).
Magtatangka naman ang kampeon na Super Sonic (jockey JA Guce, owner Leonardo M. Javier Jr.) na pantayan ang record ng Hagdang Bato na nagwagi ng dalawang Presidential Gold Cup title noong 2012 at 2014.
Kasama rin sa magtatangkang manalo sa 2,000-meter na karera ang Electric Truth (AP Asuncion, Andok’s Litson Corp.), Super Swerte (JB Guce, RMR Equine Inc.), Pangalusian Island (MA Alvarez, Wilbert Tan), Toy For The BigBoy (PM Caballejo at Alberto Santos) at ang Wonderland (PR Dilema) at Patong Patong (JD Flores) na parehong pag-aari ng Ken Logistics Forwarding.
Tumataginting na P3 million ang inihandang premyo ng Philracom, kung saan P1.8 ang mapupunta sa mananalo. Ang pangalawa hanggang ikaanim na pupuwesto ay tatanggap ng P675,000, P375,000, P150,000.
- Latest