Rockets hinugot si Cousins; Morris bumalik sa Lakers
HOUSTON -- Sa inaasahang pag-alis nina star guards James Harden at Russell Westbrook ay kinuha ng Rockets si big man DeMarcus Cousins.
Pinapanalisa na ng Houston ang pagpapalagda kay Cousins, nauna nang pumirma sa NBA champions Los Angeles Lakers sa nakaraang season bago nagkaroon ng knee injury sa kanilang workout, sa isang one-year veterans minimum deal.
Kinukuha rin ng Rockets si big man Christian Wood mula sa Detroit Pistons.
Tinanggihan ni Harden ang alok na $103 million extension ng Houston sa kanyang inaasahang paglipat sa Brooklyn Nets habang naghahanap ng bagong koponan si Westbrook.
Magbabalik naman si forward free agent Markieff Morris sa Lakers matapos pumayag sa one-year minimum deal na nagkakahalaga ng $2.3 milyon.
Kamakailan ay hinablot ng Lakers si Montrezl Harrell mula sa Clippers.
Sa Toronto, kinuha ng Raptors si free agent center Alex Len, naglaro para sa Phoenix Suns, Atlanta Hawks at Sacramento Kings.
Ito ay matapos lumipat sina big men Marc Gasol sa Lakers at magtungo si Serge Ibaka sa Clippers para muling makasama si Kahwi Leonard.
Sa New Orleans, pinapirma ng Pelicans si center Steve Adam sa two-year extension na nagkakahalaga ng $35 milyon.
Sa Cleveland, magbabalik si guard Matthew Dellavedova sa Cavaliers makaraang pumayag sa one-year, $2.17 million minimum deal.
- Latest