Taekwondo Tiktok ni Pauline Lopez
MANILA, Philippines —Hindi nagpahuli sa trending na TikTok app ang taekwondo artist at 2019 SEA Games gold medalist na si Pauline Lopez pero kakaiba ang version niya.
Kumasa sa nauusong #LoveStoryChallenge ang taekwondo jin kung saan nakalapit ang camera sa tao at nili-lip synch ang popular na kanta ni Taylor Swift at unti-unti itong lalayo at saka sasayaw.
Matapos i-lip synch ang unang bahagi ng kanta ay ibinida ng national athlete ang kanyang taekwondo skills nang sunud-sunod na sipa ang pinakawalan nito.
“Hey guys! So today at 12 pm my first vlog will be up, link in my bio. From this tiktok, can’t you tell? I’m pretty excited @taylorswift,” caption ni Lopez sa 10 seconds video na ito.
Isa si Lopez sa mga atletang pumupuntirya ng slot sa 2021 Tokyo Olympics.
- Latest