^

PM Sports

Towns magdo-donate ng $100,000

Pang-masa

MINNEAPOLIS — Inihayag kahapon ni Min­nesota Timberwolves star center Karl-Anthony Towns na magdo-donate si­ya ng $100,000 (halos P5 milyon) sa Mayo Cli­nic para sa testing ng COVID-19 virus.

Sinabi ng Minnesota-based medical system na inaasahan nilang makaka­tulong ang donasyon ni Towns sa pagdaragdag ng capacity para sa COVID-19 mula sa 200 tests per day hanggang sa 1,000 per day sa mga su­sunod na linggo.

Kamakalawa ay na­nga­ko rin si Utah Jazz cen­ter Rudy Gobert, ang unang NBA player na nagpositibo sa CO­VID-19, ng $500,000.

Ang $200,000 ay ibi­bigay niya sa mga part-time employees sa arena ng Jazz.

Ilalaan naman niya ang tig-$100,000 sa mga pamilyang apektado ng COVID-19 pandemic sa Oklahoma City.

Bago ang laro ng Jazz at Thunder sa Oklahoma City ay inihayag ang pag­positibo ni Gobert sa nasabing virus.

Ang 100,000 Euros ($111,450) ay ibibigay ni Gobert sa relief efforts sa France para sa mga health care workers at care­gi­vers.

Maraming NBA at NHL teams ang tutulong sa kanilang mga arena em­ployees.

vuukle comment

TOWNS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with