^

PM Sports

Impresibo ang ipinakita ng Gilas sa qualifiers

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Magandang impresyon ang nakita sa unang laro ng latest version ng Gilas Pilipinas noong nakaraang gabi kontra sa Team Indonesia sa Jakarta.

Kahit na wala ang gaya ni Andray Blatche, June Mar Fajardo at Jayson Castro, hindi nagka-prob­le­ma tungo sa pagbunot ng 100-70 panalo sa ka­nilang unang pagsabak sa FIBA Asia Qualifiers.

Pero para sa mga mas malalim ang pagkaka­in­tindi sa Asian basketball, hindi big deal ang dominant win kontra sa Indonesia.

Inaasahang madaling makakarating ang Gilas Pi­lipinas sa FIBA Asia Cup proper.

Doon ay tunay na masusukat ang ating koponan ka­pag nakaharap na ang mga traditional Asian po­wers at ang dalawang karagdagang higante sa rehiyon – ang Australia at New Zealand.

 Expected na lulusutan ng Gilas ang Indonesia at Thailand sa Group A play.

Ang excitement sa labanan sa grupong ito ay ang salpukan ng Gilas at South Korea.

Magaganap ang una nilang banggaan sa November kung saan malamang na kasama na ng Gilas ang bagong naturalized player.

Sa mahabang pagitan ng panahon mula ngayon hanggang November, balak ni Gilas program director Tab Baldwin na ibabad sa international games ang mga Gilas youngsters upang makasanayan ang international play.

“We’re excited about making these guys really professional basketball players – in a different way than the way it happens in the PBA because when they go to a team, they have to indoctrinate themselves and submit to the team’s goals and objectives,” ani Baldwin.

“For them now, it’s a very, very selfish approach: We want them to dedicate themselves to themselves and become the greatest basketball pla­­yer they could become without having to worry about the goals or the objectives of the team. And we’ll see how that goes,” dagdag pa ni Baldwin.

Determinado ang Samahang Basketbol ng Pilipinas na pondohan at itulak ang programang ito.

Kung masusuklian ng pagtitiwala at dedikasyon ng mga batang manlalaro nasa ilalim ng programa, maaaring mabuo ang solidong koponan na makakapagpakita ng magandang showing sa 2023 FIBA World Cup.

QUALIFIERS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with