Banario babalik sa featherweight
MANILA, Philippines — Sa kanyang pagbabalik sa original weight class ay haharapin ni Pinoy fighter Honorio “The Rock” Banario si Shannon “OneShin” Wiratchai ng Thailand sa inaabangang “ONE: King of the Jungle” sa Biyernes sa Singapore.
Inaasahang magiging komportable ang 30-anyos na si Banario sa featherweight division kung saan siya naghari noon.
“Here, I am faster, more explosive, and the fans will surely enjoy an exciting match between two hungry veterans looking to make a statement to start the year,” ani Banario ng Team Lakay.
Matapos makalasap ng five-bout losing skid sa featherweight class ay nagtala si Banario ng limang sunod na panalo sa lightweight category.
Sa kabila ng mga panalo ay naramdaman ni Banario ang kanyang pagbigat at pagbagal ng kilos kaya nagdesisyong bumalik sa featherweight.
- Latest