Pascal nalusutan si Jack
ATLANTA - Sa pagsabak ni Badou Jack sa laban kung saan nakataya ang isang major title ay kuwestiyunableng desisyon ang sumunod sa kanya.
Tinalo ni dating lineal light heavyweight champion Jean Pascal ang dating two-division titlist na si Jack via 12-round split decision kahapon dito sa State Farm Arena sa Atlanta, Georgia.
Binigyan ni judge Judy Lederman si Jack ng iskor na 114-112, habang pinaboran ni Nelson Vasquez si Pascal, 114-112.
Iniskoran naman ni judge Barry Lindenam ang laban sa 114-112 para kay Pascal.
“I won this fight,” giit ni Pascal matapos ang kanyang ikalawang panalo ngayong 2019 na maaaring ikunsiderang ‘Comeback of the Year’. “It was a close fight, but I won it.”
Hindi palaging nagsasabi ng tunay na nangyari ang mga final punchstat numbers.
Sa Compubox unofficial stats ay kumonekta si Jack (244) ng mas maraming total punches kumpara kay Pascal (155) at may mas mataas na connect percentage (39%-28%).
Isang left uppercut ang naikonekta ni Jack sa round four matapos niyang makorner si Pascal.
Nagawa naman ng 15-year ring veteran na si Pascal na makawala.
- Latest