2-golds sa soft tennis
MANILA, Philippines — Gumawa ng kasay-sayan ang national soft tennis team matapos kubrahin ang dalawang gintong medalya ng Pilipinas sa soft tennis competition sa 2019 Southeast Asian Games sa Rizal Memorial Tennis Center.
Nanguna sa ratsada ng Pinoy netters ang Zoleta sisters na sina Bien at Bambi para tuldukan ang mahabang panahong pagkauhaw ng Pilipinas sa ginto sa naturang event.
Ipinako ni Bien ang 4-2 pagresbak kay Kawengai Anadeleyda ng Indonesia sa finals para makuha ang kampeonato sa women’s singles.
“It’s my first time to win a gold sa SEA Games, extra special pa siya dahil kasama ko itong nakuha with my sister,” ani Bambi.
Nauna nang natalo si Bien kay Anadeleyda sa eliminasyon (2-4).
Nagsanib-puwersa pa sina Bien at Bambi - da-ting PCA Open champion - nang masungkit ng da-lawa ang ginto sa doubles event.
Tinalo ng Zoleta sisters ang Thailand bets sa finals saiskor na 5-0.
- Latest