^

PM Sports

Blatche ‘di kinuha ni Cone sa SEAG

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Katulad ng dahilan sa hindi pagsama sa walong amateur standouts, pareho ang naging paliwanag ng Samahang Basketbol ng Pilipinas sa hindi pagkuha kay naturalized player An­dray Blatche para 30th Southeast Asian Games sa Nobyembre.

Ipinaliwanag ni SBP pre­sident Al Panlilio na ang kakulangan ng paghahanda ng Nationals sa ila­lim ni bagong coach Tim Cone at ang kanyang kom­plikadong sistema ang dahilan kaya hindi isi­nama si Blatche sa 15-man pool.

Mas pinili rin ni Cone ang chemistry at fami­liarity kaysa sa talento na magiging susi ng kanyang 15-man pool kaya’t anim dito ay manlalaro niya sa Barangay Ginebra.

Ito ay sina LA Tenorio, Scottie Thompson, Greg Slaughter, Stanley Pringle, Art Dela Cruz at Japeth Aguilar.

Nakatakda ang 2019 SEA Games sa Nobyembre 30 hanggang Disyem­bre 11 na magbibigay ng dalawang buwan na pag­hahanda ng Nationals.

Dahil din sa 2019 PBA Governors’ Cup ay hindi re­gular ang pagsasanay ng Gilas at magkakaroon lamang ng 14 practice days sa loob ng dalawang buwan bago ang SEAG.

Ayon kay Cone, makakatulong ang kanyang Gi­nebra players sa pagpapa­dali ng ensayo ng Gilas dahil matuturuan nila ng kanyang sistema ang iba pang miyembro ng pool na sina June Mar Fajardo, Marcio Lassiter, Chris Ross at Christian Stand­har­dinger ng San Miguel, Troy Rosario, Jayson Castro at RR Pogoy ng TNT Katropa, Matthew Wright ng Phoenix at Vic Manuel ng Alaska.

Bagama’t hindi pa na­kapaglaro sa SEA Games si Blatche ay binanderahan niya ang Gilas noong 2017 sa pagwalis sa Southeast Asian Basketball Association (SEABA) Championship na idi­naos sa Pilipinas.

Huling naglaro si Blatche para sa Gilas Pilipinas no­ong 2019 FI­BA World Cup.

Bukod sa paglalatag ng programa para sa 2023 FIBA World Cup at iba pang international tournaments ay isa sa nakatakdang pagpulungan ng SBP ay ang kapalaran ni Blatche bilang naturalized player ng bansa.

 

BLATCHE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with