^

PM Sports

Maika Ortiz alanganin

Pang-masa
Maika Ortiz alanganin
Maika Ortiz

MANILA, Philippines — Hindi pa sigurado kung makakalaro sa susunod na laban ng Foton Tornadoes Blue Energy ang isa sa mga middle blocker nito na si Maika Ortiz.

Sa huling laro ng tropa nitong Sabado kontra Generika-Ayala, uminda ng injury sa tuhod si Ortiz sa second set matapos ang masamang pag-landing kasabay ng kanyang blocking attempt.

Nagawa naman na makatayo at makalabas ng court pero hindi na ipinagsapalaran ni Foton coach Aaron Velez si Ortiz kaya’t pinaupo na ito at pinagpahinga.

Sa post-game interview ni Velez, sinabi nito na hindi pa nila alam ang tunay na lagay ni Ortiz pero umaasa ito na hindi siya ganoon kaseryoso.

“As the moment kasi hindi pa nalaman ‘yung findings but hopefully, we pray na nothing serious,” ani Velez.

Hindi ito ang unang beses na nakaranas ng ilang injuries ang Foton sa ilalim ni Velez dahil noong 2018 All-Filipino Conference sa unang coaching stint ni Velez ay napilay ang tropa sa pagkawala nina Arriane Layug at Shaya Adorador.

Hindi nakapaglaro sa huling bahagi ng conference si Layug dahil sa kanyang injury sa anterior cruciate ligament (ACL) habang si Adorador naman ay na-confine dahil sa sinusitis infections.

“Sabi ko nga talaga kanina ‘yung safety talaga kasi both conference sa amin ng All-Filipino, ‘yung first All-Filipino ko and then ‘yung Grand Prix we’re always plague by injuries kaya I just kept on reminding the ladies also to be mindful on everything that they do,” dagdag ni Velez.

Kasalukuyang maganda ang pinapakita ng Foton ngayon sa pagpapatuloy ng second round ng eliminationskung saan nakapuwesto sila sa third place tangan ang 7-3 na baraha. Fergus E. Josue, Jr.

 

vuukle comment

MAIKA ORTIZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with