^

PM Sports

Cignal-Ateneo, Valencia-Bukidnon mag-uunahan sa Game 1

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Mag-uunahan sa panalo ang top seeds na Cignal-Ateneo at Valencia City-Bukidnon sa inaabangang Game 1 ng kanilang 2019 PBA Developmental League best-of-three semifinal series ngayon sa Paco Arena sa Maynila.

Magsisimula ang aksyon sa alas-4 ng hapon kung saan ang magwawagi ay makakalapit ng isang panalo sa inasam na Finals appearance sa makasaysayang semi-pro D-League tourney na nilahukan ng 20 koponan.

Nakasakay sa pitong sunod na tagumpay sa Final Four, paborito ang Ateneo na magwagi sa naturang serye lalo’t magpaparada ito ng intact core mula sa back-to-back UAAP championship noong nakaraang taon.

Mangunguna sa koponan si Ivorian import Ange Kouame kasama sina Thirdy Ravena, Matt at Mike Nieto gayundin si Isaac Go.

Subalit iginiit ni head coach Tab Baldwin na hindi kailangang magkampeon ang Ateneo sa D-League dahil pagha-handa lamang aniya nila ito sa UAAP Season 82 ngayong taon kung saan hahangad sila ng makasaysayang three-peat.

“Again, we’re using this as our preparations, but we’re happy to see that our players are running our system to a tee,”, ani Baldwin ng Blue Eagles na dinagit ang Chadao-FEU sa quarterfinals upang makasikwat ng tiket sa Final Four.

Bagama’t paborito, hindi pa rin magiging madali ang daang tatahakin ng Ateneo lalo’t palaban din ang Valencia City Bukidnon na haharang sa kanila.

“We’re happy that we made it to the semifinals. But alam naman natin ang Ateneo, they’re one of the best teams in college. We’ll just try to be ready sa kanila,” ani mentor Egay Macaraya matapos talunin ang Che’Lu Bar and Grill sa quarterfinals, 93-87.

Sa isa pang laro sa alas-2 ng hapon, magbabanggaan naman ang St. Clare College-Virtual Reality at Centro Escolar University na parehong nanggaling sa mahirap na quarterfinals.

Sinilat ng Saints ang three-time NCAA king na Metropac-San Beda habang muntikang masayang ng Scorpions ang twice-to-beat advantage nito bago naipagpag ang Go For Gold sa do-or-die Game 2, 94-84.

Ito ay kahit pitong manlalaro lang ang isinalang ng CEU dahil sa isinasagawang im-bestigasyon ng paaralan sa walong manlalaro nito na sangkot anila sa game-fixing scandal.

2019 PBA DEVELOPMENTAL LEAGUE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with