^

PM Sports

Pagulayan pasok sa Last 16 Chris Co

Pang-masa

MANILA, Philippines — Nagparamdam agad si 2004 World 9-Ball tit­list Alex Pagulayan pa­ra makahirit ng tiket sa Last 16 ng prestihiyosong 2019 World Pool Masters sa Victoria Stadium sa Gibraltar.

Hindi hinayaan ng Fi­lipino-Canadian cue master na makaporma si world champion Wu Jia­qing ng China matapos itarak ang 7-4 desisyon sa first round.

Naisaayos ni Pagula­yan ang pakikipagtipan kay Ko Pin Yi ng Chinese-Taipei na na­kakuha ng ope­ning round bye dahil sa ma­taas na ranking sa World Pool-Billiard Association.

Bigo naman ang isa pang Pinoy na si Jeffrey de Luna matapos lumasap ng 2-7 kabiguan kay 2016 World 9-Ball titlist Albin Ouschan ng Austria.

Pasok din sa Last 16 sina Fedor Gorst ng Russia, David Alcaide ng Spain, Klenti Kaci ng Albania, Shane Van Boening ng Amerika, Justin Sajich ng Australia at Matt Edwards ng New Zealand.

Iginupo ni Gorst si Naoyuki Oi ng Japan (7-2), tinalo ni Alcaide ang kababayang si Francisco Sanchez-Ruiz (7-3), gi­nu­lantang ni Kaci si Earl Strickland ng Amerika (7-2), pinatumba ni Van Boening si Kelly Fisher ng Great Britain (7-2), pi­natalsik ni Sajich si Petri Makkonen ng Ireland (7-4) at sinorpresa ni Edwards si Chris Mel­ling ng Great Britain (7-3).

vuukle comment

ALEX PAGULAYAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with