^

PM Sports

Kanya-kanyang pasiklaban

Andrew Dimasalang - Pang-masa

MANILA, Philippines – Apatnapu’t pito mula sa 48 aplikante ang nagpasiklab kahapon sa unang araw ng umaatikabong 2018 Philippine Basketball Association (PBA) Annual Rookie Draft Combine sa Gatorade Hoops Center sa Mandaluyong City.

Tanging si RR De Leon ng University of the East lamang ang hindi nakadalo upang tuluyang maalis sa opisyal at pinal na listahang ilalabas ng PBA sa Biyernes.

Pinangunahan ng projected top three picks na sina CJ Perez ng Lyceum, Rayray Parks Jr ng Alab Pilipinas at Robert Bolick ng San Beda ang 47 na rookie hopefuls.

Dumalo rin ang iba pang posibleng first rounders na sina Abu Tratter, Javee Mocon, Paul Desiderio, Bong Quinto, Jayjay Alejandro, Matt Salem, Trevis Jackson at Michael Calisaan.

Sumailalim ang lahat ng manlalaro sa opisyal na measurements at biometric tests upang malaman kung papasa ba sila sa requirements ng pinakamatandang propesyunal na liga sa Asya.

Subalit inagaw ng mga sorpresang manlalaro ang unang araw ng combine nang pagharian ang mga naturang skills tests.

Nanguna si CJ Isit ng Mapua sa lane agility test (11.2 seconds at reaction test (84%) habang si St. Mary-England standout na si John Ragasa sa shuttle run test (21.97 seconds). Si Allen Trinidad naman ang nanalo sa 3/4 court sprint sa oras na 32.25 segundo,si Jeepy Faundo ng University of Santo Tomas ang may pinakamataas na standing vertical leap sa naitalang 33.29 inches habang  si Dan Wong ng Ateneo naman ang namuno sa maximum jumping vertical leap sa 39.19 inches.

Matapos ang mga naturang pagsubok, hinati naman ang 47 na manlala-ro sa anim na koponang Team A-1, Team A-2, Team A-3, Team B-1, Team B-2 at Team B-3 na magsasabong-sabong sa mini-tournament hanggang ngayon.

Para magmasid at mag-asinta ng rookie prospects, nagpunta rin sa naturang draft combine ang mga PBA head coaches na sina Leo Austria ng San Miguel, Tim Cone ng Ginebra, Bong Ravena ng Talk ‘N Text, Bong Ramos ng Blackwater, Louie Alas ng Phoenix at Norman Black ng Blackwater habang mga assistant coaches naman ang dumalo para sa NLEX, Columbian, Magnolia at Alaska.

Unang pipili mula sa 47 na manlalaro ang Columbian kasunod ang Blackwater, NorthPort, Phoenix, Meralco, Rain or Shine, NLEX, Rain or Shine (mula sa Talk ‘N Text), Alaska, Magnolia, Columbian (mula sa San Miguel) at Phoenix (mula sa Ginebra).

 

PASIKLABAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with