^

PM Sports

Phl Chessers nanatili sa itaas ng 43rd Olympiad

Pang-masa

MANILA, Philippines — Kapwa nagtala ng panalo sina Grand Masters Julio Catalino Sadorra at John Paul Gomez, habang nakipag-draw si International Master Jan Emmanuel Garcia para ibigay sa Pilipinas ang 2.5-1.5 tagumpay laban sa Slovakia at manatili sa itaas sa second round ng 43rd World Chess Olympiad na nagpatuloy sa Batumi, Georgia noong Martes ng gabi.

Tinalo ng United States-based na si Sadorra si GM Christopher Repka sa 37-move ng Slav Defense at dinaig ni Gomez si GM Tomas Petrik via 63 move ng Ruy Lopez.

Nakipaghati naman sa puntos ang bagitong si Garcia kay IM Viktor Gazik sa 65 moves ng Dutch Defense para sa mga Phl Team, No. 48 seeded laban sa mga No. 54 na Slovakians.

Samantala, natalo naman si FIDE Master Joseph Mari Turqueza, isang last-minute replacement ni IM Haridas Pascua, kay IM Martin Nayhebaver sa 41 moves ng Sicilian battle.

Kasama ang Pilipinas sa 41-country group na nangunguna sa torneo na kinabibilangan ng powerhouse United States kung saan nagla-laro si Cavite-born GM Wesley So sa board two.

Nauna nang tinalo ng national men’s team ang San Marino, 4-0 sa opening round noong Lunes.

Kasalukuyan pang nilalabanan ng mga Pinoy ang No. 18 Croatia, tinalo ang Monaco, 3.5-.5 sa third round habang isinusulat ito.

Yumukod naman ang Philippine women’s squad sa Slovenia sa kabila ng malaking panalo ni WGM Janelle Mae Frayna kay WIM Laura Unuk sa top board.

Natalo sina WFM Shania Mae Mendoza at WIM Marie Antoinette San Diego kina WGM Jana Krivec at WFM Teja Vidic, ayon sa pagkakasunod habang nakipag-draw si WIM Catherine Secopito kay WFM Lara Janzelj.

Sasagupain ng mga Pinay ang Venezuela sa kanilang susunod na laro.

WORLD CHESS OLYMPIAD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with