^

PM Sports

Dindin Santiago iiwan ang Foton?

Chris Co - Pang-masa
Dindin Santiago iiwan ang Foton?
Dindin Santiago-Manabat

MANILA, Philippines — Isang key player pa ang posibleng mawala sa lineup ng Foton Tornadoes para sa 2018 Phi-lippine Superliga All-Filipino Conference.

Napabalitang lumahok din sa tryout si Dindin Santiago-Manabat sa ilang Japanese clubs sa Japan para subukang makapaglaro sa isang international tournament.

Hindi kasabay ni Santiago-Manabat ang national team na tumulak sa Okayama, Japan.

Naunang umalis ang versatile spiker patu-ngong Japan para umano sa ilang serye ng tryout na lalahukan nito.

Nakipagkita na lamang si Santiago-Manabat sa airport para makasama ang national team patungong Japan.

Kasalukuyang nagsasanay ang Pinay spikers sa Japan ngunit nakatakda itong bumalik sa bansa sa linggong ito bago tumulak patungong Jakarta, Indonesia upang magpartisipa sa 2018 Asian Games.

Wala pang opisyal na kumpirmasyon ang kampo ni Santiago-Manabat dahil magugunitang hindi maaaring isiwalat ng isang manlalaro ang posibleng koponang lalaruan nito base na rin sa kahilingan ng mga Japanese clubs.

Kaya mapipilayan ng husto ang Tornadoes para sa All-Filipino Conference.

Pansamantalang lilisanin ng kapatid ni Dindin na si Jaja ang Pilipinas para maglaro sa Japan.

Nakatakdang Lumaro si Jaja para sa Ageo Me-dics na nasa Saitama Division 1 ng Japanese Volleyball Premier League na nakatakdang magsi-mula sa Oktubre 28.

Nanganganib ding mawala si Bea De Leon na nagpasyang gamitin ang kanilang final eligibility year sa Ateneo de Manila University para naman sa UAAP Season 81 volleyball tournament na magsisimula sa unang bahagi ng 2019.

DINDIN SANTIAGO-MANABAT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with