Mahigpit ang labanan sa 42nd Milo Marathon
MANILA, Philippines — Inaasahan ang mahigit 150,000 runners ang sasali sa nationwide 42nd National Marathon na sisimulan ngayong Hulyo 15 sa Urdaneta, Pangasinan.
Sinabi ni Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) president Philip Ella Juico nang magwagi sa National Finals na gaganapin sa Laoag City, Ilocos Norte sa Disyembre 9 ay siyang kakatawan ng bansa sa 30th Southeast Asian Games dito sa Pilipinas sa susunod na taon.
“The Milo marathon has been going on for over 40 years now. It has produced notable champions. The champion in the national finals will represent the country in the 2019 Sea Games,” sabi ni Juico sa ginawang press launching kahapon sa Conrad Hotel sa Pasay City.
Nangako rin sina defending champions Mary Joy Tabal ng Cebu at Joerge Andrade ng Davao na paghandaan nila ng husto ang National Finals ngayong Disyembre.
Bukod sa kauuna-unahang Pinay na nag-qualify sa 2016 Rio Olympic Games at 2017 Southeast Asian Games champion, ang 28-anyos na si Tabal ang kauna-unahan ding babae na nagkampeon sa National Milo 42.195-km full marathon ng limang sunod na beses sa loob ng 41 taon.
Ang 26-anyos naman na si Andrade ay nagkampeon din sa 2018 Borneo International Marathon noong Mayo 7 na ginanap sa Kota Kinabalu, Sabah, East Malaysia.
Ang pagsali ni Andrade sa Borneo Marathon ay kabilang sa kanyang premyo bilang kampeon sa 41st edisyon ng Milo Marathon National Finals na ginanap sa Cebu City noong Disyembre.
Pagkatapos sa Urdaneta qualifying leg sa Hul-yo 15, susunod naman ang Metro Manila leg sa Hulyo 29 at Tarlac leg sa Agosto 26. Ang iba pang yugto ng 11-qualifying legs ay sa Batangas (Sept. 16), Lucena City (Sept. 30), Iloilo (Oct. 7), Cebu (Oct. 14), Gen. Santos (Oct. 21), Butuan City (Nov. 11), Cagayan de Oro (Nov. 18) at ang national finals sa Laoag City sa Disyembre 9.
- Latest