^

PM Sports

29 Pinoy cyclist mapapalaban

Pang-masa

MANILA, Philippines – Dalawampu’t siyam na mahuhusay na Pinoy cyclists ang mapapalaban sa 50 siklistang kakatawan ng 16 nationalities sa 9th Le Tour de Filipinas na lalarga ngayon mula sa Quezon Memorial Circle sa Quezon City patungong Palayan City sa Nueva Ecija.

Mula sa nakasana-yang 15-team na kalahok, nadagdagan ngayon ang mga bansang kasali sa 4-day race na itinataguyod ng Air21, Cignal at Cargohaus Inc.

Kasunod ng Phi-lippines ang Korea sa pinakamaraming lahok sa kanilang 10-riders na sinundan ng Malaysia (7), Indonesia (6), Australia (5), Iran (5), Japan (3) at China (3). May tig-isang lahok ang  France, Singapore, Eritrea, Greece, Russia, Spain, Denmark at Colombia.

Dahil dito, inaasa-hang magiging mainit ang laban sa tanging karera sa Pinas na nasa listahan ng Asia Tour ng International Cycling Union na bubungaran ng 157.50-km Stage 1 mula sa Liwasang Aurora sa Elliptical Circle patungong Nueva Ecija capital.

Kasama sa mga kalahok ang unang kampeon ng Le Tour na si champion, Irishman David McCann na siya na ngayong Sports Director ng Malaysia-based Forca Amskings Racing.

Ang Stage 2 ay ang 157.90-km (Cabanatuan City-Bayombong, Nueva Vizcaya, kasunod ang pinakamahabang Stage 3 -185.20 kms (Bambang, Nueva Vizcaya-Linga-yen, Pangasinan).

Ang Stage 4 ay ang traverse race sa Kennon Road na may akyating Hors Category.

 

PINOY CYCLIST

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with