^

PM Sports

Umiinit na hatawan

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines – Puntirya ng Far Eastern University (FEU) na masungkit ang unang tiket sa finals sa pakiki-pagtipan nito sa mapanganib na Ateneo de Manila University ngayong hapon sa UAAP Season 80 women’s volleyball tournament Final4 sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Magtutuos ang Lady Tamaraws at Lady Eagles sa alas-4:00 ng hapon at armado ang FEU ng twice-to-beat advantage matapos makuha ang second seed sa pagtatapos ng eliminasyon bitbit ang 10-4 rekord sa likod ng nagdedepensang De La Salle University na pumana ng 12-2 kartada.

Laglag naman sa No. 3 ang Ateneo taglay ang 9-5 baraha matapos matalo sa La Salle sa huling araw ng eliminasyon.

Hangad ng Lady Tamaraws na makapasok sa finals dahil nais ng tropa na tuldukan ang kanilang 10 taong pagkauhaw sa titulo.

Ang FEU ang winningest team sa liga tangan ang 29 korona.

“Kahit noon pa naman kasi, ang volleyball ay FEU-UST sa babae. So gusto lang namin ibalik. Unang-una, ang pressure dapat, sa mga players kasi 30, tapos kami pa ‘yung host. So ‘yung pagkakataon na ‘yun, ‘yun ang ayaw naming pakawalan. ‘Yung 30th (title) tapos, kami pa ‘yung host, tapos (Season) 80,” wika ni FEU mentor George Pascua.

Mamanduhan ni MVP candidate Bernadeth Pons ang opensa at depensa ng Lady Tamaraws. Kasalukuyang No. 4 ito sa scoring department at No. 3 sa digs at receive.

Makakatuwang ni Pons si middle hitter Ced Domingo na No. 1 sa blocking gayundin sina Jeanette Villareal, Toni Rose Basas at Heather Guinoo na maasahan din sa attack line.

Ngunit daraan sa butas ng karayom ang FEU dahil armado ang Ateneo ng mantrang ‘heart strong’ kaya’t gagawin nito ang lahat upang maipuwersa ang rubber match.

Matikas ang laro ni Kat Tolentino sa kanilang hu-ling laban subalit kailangan nito ng solidong suporta mula kay ace spiker Jhoana Maraguinot na nalimitahan ang produksiyon kontra sa La Salle.

Kailangan rin ng solidong koneksiyon nina middle blockers Maddie Madayag at Bea De Leon, playmaker Deanna Wong at libero Ponggay Gaston para makabuo ng quick plays.

Nakatakda naman ang women’s Final Four game ng La Salle at National University sa alas-4 bukas sa parehong venue habang maghaharap sa men’s semis ang top seed NU at University of Santo Tomas.

UAAP SEASON 80

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with