Tennis at athletics tatalakayin sa PSA
MANILA, Philippines — Bibisita ang mga pinuno ng Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) at Philippine Tennis Association (Philta) sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum ngayong umaga sa Tapa King Restaurant sa Farmers Plaza sa Cubao.
Tatalakayin nina Philta chief Atty. Antonio Cablitas, ang Presidential Adviser on foreign investments, at men’s national team coach Chris Cuarto ang kanilang mga gagawing paghahanda para sa 2018 Asian Games sa Indonesia pati na ang nakaraang laban ng national team sa Davis Cup Asia Oceania Group II tie laban sa Thailand sa PCA clay court sa Plaza Dilao.
Makakasama ni PATAFA chief Philip Ella Juico sina secretary general Renato Unso, Iligan City Mayor Evelyn Diaz at dating Mayor Jay Diaz para sa pagdaraos ng Philippine Athletic Championship sa Iligan, Isabela.
- Latest