^

PM Sports

Navy-Standard Insurance babantayan

Russell Cadayona - Pang-masa

LUCENA, Quezon, Philippines -- Aminado si Cris Joven ng Kinetix Lab-Army na mabigat na kalaban ang Navy-Standard Insurance sa 2017 LBC Ronda Piipinas.

Si Ronald Lomotos ang umangkin sa Stage One habang ang nagdedepensang si Jan Paul Morales ang naghari sa Stages Two at Three at patuloy naman ang pamumuno ni Rudy Roque sa individual overall classification.

“Talagang malakas ‘yung Navy-Standard Insu-rance kasi matagal na silang magkakasama. Pero tao lang naman din sila at mahaba pa ang karera at marami pang maaaring mangyari,” sabi ni Joven.

Inangkin ng 30-anyos na tubong Iriga, Camarines Sur ang 111-km Subic-Subic Stage Four noong Huwebes sa kanyang bilis na dalawang oras, 40 minuto at 6 segundo.

Nakatakdang pakawalan ang 251-km. Lucena-Pili Stage Five bukas kung saan puntirya ni Joven ang kanyang ikalawang lap victory.

“Hindi ko pa naman iniisip ‘yon, basta ako laban lang kung laban,” wika ni Joven, isang Private First Class sa Philippine Army.

Inungusan ni Joven sa finish line sina Morales, Ryan Serapio ng Team Ilocos Sur, Elmer Navarrro at Joahus Mari Bonigacio ng Go for Gold, Jhunvie Pagnanawon ng Bike Extreme, Reynaldo Navarro ng Kinetix Lab-Army, James Paulo Ferfas ng Bike Extreme, Ronnilan Quita ng Kinetix Lab-Army at Roque.

Walang balak isuko ni Roque ang individual overall lead sa kanyang 11:12:15 kasunod sina Morales (11:13:45), Lomotos (11:14:33), Serapio (11:16:07), Jay Lampawog (11:16:12) ng Navy, Reynaldo Navarro (11:16:21) ng Kinetix Lab-Army, Bonifacio (11:16:28), Daniel Ven Carino (11:16:35) ng Navy, Joven (11:16:48) at Ismael Grospe (11:17:43) ng Go for Gold.

Patuloy na isusuot nina Roque at Morales ang Red at Blue Jersey, ayon sa pagkakasunod sa Stage Five sa cycling event na inihahandog ng presentor na LBC katuwang ang MVP Sports Foundation, Petron, Mitsubishi, Versa.ph, Victory Liner, Maynilad, Standard Insurance, CCN, Bike Xtreme, NLEX, PhilCycling at 3Q Sports Event Management.

Bukod sa Blue Jersey ay isusuot din ni Morales ng Calumpang, Marikina ang Polka Dot Jersey dahil sa kanyang pagdomina sa overall King of the Mountain (KOM), habang si Lampawog ang magdadala sa Yellow Jersey sa kanyang pamumuno sa overall best young rider.

Matapos sa Lucena, Quezon ay papadyak ang LBC Ronda Pilipinas sa Pili, Camarines Norte (Pebrero 14 at 16), Daet (Pebrero. 17), Paseo sa Sta. Rosa, Laguna (Pebrero 19), Tagaytay at Batangas (Pebrero 20), Calamba at Antipolo (Pebrero 21) at dalawang stages sa pagtatapos sa Iloilo City (Marso 2, 3 at 4).

CRIS JOVEN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with