^

PM Sports

Ika-2 sunod na panalo tangka ng Bali Pure

Shannin Lehvee Marzon - Pang-masa

MANILA, Philippines – Nais pagandahin ng Bali Pure Water Defenders ang kanilang kartada kontra sa Iriga Lady Uragons sa pagpapatuloy ng Shakey’s V-League Open Conference sa FilOil Flying V Arena sa San Juan mamayang hapon.

Magaganap ang laro sa ganap na alas-4:00 ng hapon.

Nasungkit ng Water Defenders ang kanilang unang panalo noong Lunes kontra sa NU Lady Bulldogs na uma-bot sa limang sets sa pangunguna ni Grethcel Soltones na kababalik lamang mula sa European tour kasama ng kanyang mga kakampi na sina Alyssa Eroa at Alyssa Valdez.

Sa kabila nito ay hindi pa rin makukumpleto ang line-up ni playing coach Charo Soriano sapagkat hindi pa makakalaro si Alyssa Valdez sa laban ng Bali Pure at Iriga.

“I will not advise her (to play) and she is also not advised by our physical therapist to play on Wednesday because she’s just getting back tomorrow and it’s wouldn’t be wise also,” ayon kay Soriano matapos talunin ang NU noong Lunes.

Hindi man makaka-laro ay inaasahang uupo sa bench ng Bali Pure si Valdez mamayang hapon.

Kasunod nito ay ang laro ng UP Lady Maroons at ng Baguio Summer Spikers sa ganap na alas-6:30 ng hapon.

Kapwa naghahanap ng panalo ang dalawang koponan na parehong may 0-2 na kartada.

Sa Spikers Turf, maghaharap naman ang Instituto Estetico Manila Volley Masters (1-0) at Sta Elena Wrecking Balls (0-1) sa ganap na ala-1:00 ng hapon. (FML)

BANAT SHOWBIZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with